-- Advertisements --
Pansamantalang nakalaya matapos payagang makalagak ng piyansa si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan.
Ayon sa huwis ng Islamabad High Court na papayagan nilang makalaya si Khan ng hanggang dalawang linggo.
Inaresto si Khan ng National Accountability Bureau dahil sa alegasyon ng kurapsyon.
Inakusahan ni Khan ang kanilang army chief na nasa likod ng pagkakaaresto sa kaniya.
Magugunitang naglunsad ng kilos protesta ang mga supporters ni Khan na kumukuwestiyon sa nasabing pagkakaaresto sa kaniya.
Natanggal si Khan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng no-confidence vote ng mga mambabatas at mula noong ay naging kritiko na siya sa pamamahala ng kasalukuyang gobyerno na si Prime Minister Shehbaz Sharif.