-- Advertisements --

Kasalukuyan ngayong nagpapagaling ang dating Olympic wrestler at MMA fighter na si Ben Askren matapos sumailalim sa double lung transplant sa Wisconsin dahil sa matinding pneumonia.

Sa isang Instagram video noong Miyerkules, isiniwalat ni Askren na halos wala siyang maalala mula sa mahigit isang buwang pananatili sa ospital mula huling bahagi ng Mayo hanggang unang linggo ng Hulyo.

Ayon sa kanyang asawang si Amy, nauna siyang isinailalim sa ventilator noong Hunyo at inilista para sa transplant noong Hunyo 24.

Sa loob ng 45 araw sa ospital, nabawasan ang timbang ni Askren ng halos 50 pounds. Ngunit aniya, mas tumatak sa kanya ang dami ng pagmamahal na kanyang natatanggap.

Maalalang naging dalawang beses na naging NCAA champion at lumaban para sa U.S. sa 2008 Olympics si Askren na kilala rin sa MMA promotions tulad ng Bellator, ONE Championship, at UFC.

Nagretiro si Askren mula sa MMA noong 2019, at bumalik saglit sa combat sports noong 2021 sa isang boxing match kontra kay Jake Paul.