-- Advertisements --
Nakatakdang sumailalim sa chemotherapy at radiation therapy ang stand-up comedy na si Ate Gay.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang balita kung saan isang itinuturing niyang Anghel ang sumagot nito.
Ayaw aniya magpabanggit ng donor kung saan isasagawa ang proseso sa Asian Hospital and Medical Center.
Mula aniya ng pumutok ang balitang mayroong stage 4 cancer ang komedyante ay bumuhos ang tulong at mensahe sa kaniya.
Noong 2021 ay nalagpasan ng komedyante ang pneumonia kaya itinuturing niya ngayon itong pangalawang buhay.