Dating MILF military spokesperson Abunawas Maslamama, itinalaga bilang senior minister ng BARMM
Loops: Abunawas Maslalama / Abdul Macacua / MILF
Pumalit si Abunawas Maslamama na kilala bilang Von Al Haq na dating tagapagsalita ng military command ng Moro Islamic Liberation Front sa isang pangunahing posisyon sa gobyerno ng Bangsamoro.
Si Maslamama ay itinalaga ng pansamantala bilang Senior Minister ni Chief Minister Ahod ‘Al Haj Murad’ Ebrahim.
Pinalitan nito si Abdulraof Macacua na nanunungkulan bilang gobernador ng Maguindanao del Norte.
Kung matatandaan, pormal na inihayag ni Macacua ang appointment ni Maslamama noong araw ng Lunes.
Si Maslamama ay kasalukuyang deputy minister ng Ministry of the Interior and Local Government.
Una na rito, dati rin siyang tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Armed Forces na pinamumunuan ni Macacua.