ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang dating journalist at businessman na si Rommel Ynion matapos nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mismong ang kanyang pinsan na si Majel Ynion Gallo-Valencia ang nagkumpirma sa Bombo Radyo sa pagkamatay ni Ynion.
Ayon kay Valencia, na-admit sa ospital ang dating mamamahayag dalawang araw bago ito binawian ng buhay.
Septyembre 1 nang umaga ng nag-post pa ito sa kanyang facebook page kaugnay sa kanyang pagpositibo sa COVID-19.
Napag-alaman na noong nakaraang linggo, binawian din ng buhay ang kanyang ama matapos nagpositibo din sa COVID-19.
Matatandaan na nangin matunog ang pangalan ni Ynion sa larangan ng pulitika ng kanyang naka-tunggali ang kontroberstyal na si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.