garcia redkach

Ang Philadelphia native at two division world champion na si Danny “Swift” Garcia ay kabilang sa listahan ng mga susunod na makakalaban ng ating pambansang kamao, Manny Pacquiao.

Sa kasalukuyan si Garcia ay may professional record na 35 na panalo 21 dito ay KO at 2 talo.

Ang kanyang ika-38 na laban ay gaganapin sa January 25 sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Makakasagupa nito si Ivan “El Terrible” Redkach na may record na 23 wins 18 dito ay knockout, 4 natalo at isang draw.

Inaasahan na magiging aktibo si Garcia ngayong 2020 dahil sa kagustuhan nitong maging world champion sa welterweight na kasulukuyang pinaghaharian nina WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr, WBO champion Terence Crawford at WBA champion Manny Pacquiao.

Ngunit bago makaharap ni Garcia ang mga kampeon, kailangan muna nito ng patunayan ang kanyang sarili sa darating na January 25.

Dahil sa mga prominenteng natalo ni Garcia, tulad nina Amir Khan, Erik Morales at Lucas Matthysse, inaasahan na matatalo nito si Redkach.

Ngunit hindi ito magiging madali para kay Garcia sapagkat, ang huling panalo ni Redkach ay TKO laban kay dating two-division champion Devon Alexander.

Ang magwawagi sa January 25 ay makakaharap ang isa sa mga kampeon para sa isang title shot.