-- Advertisements --

Ikinasal na si Jimuel Pacquiao sa kaniyang nobya na si Carolina.

Sa social media post ng tiyahin ni Jimuel na si Janet Jamora Jumalon, ay ibinahagi nito ang larawan ng pag-iisang dibdib ng dalawa na ginanap sa US.

Makikita rin sa video na tumayong bridesmaid ang kapatid ni Jimuel na sina Princess at Quennie.

Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay isinilang ni Carolina ang anak nila ni Jimuel na si Clara.

Si Jimuel ay panganay na anak nina Manny Pacquiao at Jinkee.