-- Advertisements --

Patuloy na nakaaapekto ang trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Visayas at silangang bahagi ng Mindanao, dahilan ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Mayroon ding pagkulog-pagkidlat sa Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Masbate, Sarangani, at South Cotabato.

Namataan ito sa layong 1,335 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Mababa ang tsansa nitong maging tropical cyclone ngunit patuloy na binabantayan dahil sa posibleng epekto nito sa susunod na mga araw.