-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kanyang puwesto ang chief of staff ni Senator Robin Padilla na si Atty. Rudolph Philip Jurado.

Sa isang nilagdaang pahayag, sinabi ni Jurado na isinumite niya ang kanyang resignation noong pang Hunyo 22, 2026, bago pa magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Jurado, tinanggap naman daw ni Senator Padilla ang kanyang pagbibitiw, at magiging epektibo ang kanyang pag-alis sa opisina sa Hulyo 31, 2026.

Hindi naman binanggit ni Jurado sa kanyang pahayag ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.