-- Advertisements --

Pumayag na umano ang free agent forward na si Danilo Gallinari para sa dalawang taon na kontrata sa Boston Celtics.

Ito ang kinumpirma ng kanyang agent na si Michael Tellen kung saan nagkasundo ang magkabilang panig sa $13.3 million deal.

Kabilang sa kontrata ay ang player option pagsapit ng second year nya sa team.

Makakasama ni Gallinari sa pinalakas na Celtics ang guard na si Malcolm Brogdon na nakuha sa pamamagitan ng trade mula sa Indiana Pacers.