-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si Tibetan spiritual leader Dalai Lama matapos ang pagkalat ng video na inutusan ang binatilyo na higupin ang kaniyang dila.

Umani kasi ng batikos ang ginawa ng 87-anyos na spiritual leader na unang humingi ng yakap ang binatilyo subalit inutusan na lamang na halikan ang dila niya.

Naganap ang video sa Dharamshala city sa India noon pang Pebrero 28.

Sa inilabas na pahayag ng Dalai Lama na ito ay humihingi ng paumanhin sa pamilya at sa mismong bata dahil negatibong dulot nito sa kaniyang katauhan.

Magugunitang inakusahan ng China ang Dalai Lama na nagpaplanong maghihiwalay sa kanilang bansa.