-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli na ang pang-apat na suspek sa umano’y kabilang sa humalay sa 20 taong gulang na HRM student ng paaralang Southern Philippines College o SPC.

Sinabi ni Police Executive Master Sargeant Ricky Bagas, officer-in charge ng Police Station-5 na nahuli kaagad ang tatlong suspek kagabi, matapos maireport ang insidente.

Sinabi nito na pawang mga BS Criminology students ang mga suspek at nangyari ang kremin sa loob ng isang boarding house sa tapat ng kanilang paaralan.

Naganap ang panggagahasa habang may isang malaking programa ang kanilang paaralan, kagabi.

Sa apat na nahuli, isa ang umaning menor de-edad habang ang tatlo ay legal age na.

Umanin rin ang suspek na may video sila sa kanilang panghahalay.

Samantalang, umapela naman ang hindi pinangalanang ina ng biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte na parusahan sa pamamagitan ng death penalty ang mga suspek.