Nikki de Moura
Miss Teen Philippines/ FB post

Nakuha ng isang estudyante mula sa Cagayan de Oro na si Nikki de Moura ang titulong 2019 Miss Teen Philippines.

Nangibabaw sa ibang 30 kalahok ang kagandahan ni Moura sa coronation night na isinagawa sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Tinanghal naman bilang first runner up si Patricia Beerda ng Western Visayas, Nicole Borromeo ng Cebu bilang second runner up, MIkki Barcela ng Albay bilang third runner-up at Joanna Kalkschmidt ng Iloilo bilang fourth runner-up.

Huling ginanap ang pageant noong nakaraang limang taon.