-- Advertisements --

Isinusulong ng COVID-19 survivor na si Sen. Sonny Angara ang pagtatayo pa ng dagdag na mega quarantine facilities sa Region 7, partikular na sa Cebu dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo roon.

Noong Hunyo 28, 2020, ang Region 7 ay nakapagtala na ng 8,000 mark sa kabuuang bilang ng mga infected, kung saan 4,962 sa mga ito ay nanggaling sa Cebu City.

Isa pa aniyang nakakabahala ang pagdami ng mga namatay, kung saan 157 na agad ang nai-record sa nasabing syudad pa lamang.

“We need to put up more mega quarantine facilities in Region 7, especially in Cebu City, which could become the country’s next COVID-19 hotspot in the country. The Department of Health should step up its response in Cebu City because the only way that we can flatten the curve is if all areas of the country are able to control the spread of the disease,” pahayag ni Angara.

Iminungkahi rin nitong palakasin ang paggamit ng convalescent plasma therapy at hybrid therapeutic plasma exchange para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sinabi nitong bilang isang taong gumaling sa virus, nakapagbigay na rin siya ng blood plasma para magamit sa mga may malubhang kondisyon.