-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ang mga oil companies sa bansa ng pagtataas nila ng presyo ng kanilang produkto.

Maglalaro sa P0.35-P0.45 sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.20 hanggang P0.30 naman sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.50 hanggang P0.60 sa kada litro ang itataas ng kerosene.

Isa pa ring dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong langis matapos na ianunsiyo ng mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Inaasahan na ipapatupad ang nasabing dagdag presyo sa araw ng Martes, Disyembre 8.