-- Advertisements --

Nilinaw ng International Criminal Court (ICC) na nananatiling nakakulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Ito ay matapos na pumayag ang ICC Pre-Trial Chamber I sa hiling ng kampo ng dating Pangulo na ipagpaliban ang pagpapasya sa kaniyang interim release o pansamantalang paglaya.

Inilabas ng ICC Public Information and Outreach Section ang naturang paglilinaw.

Mahigit apat na buwan na ngang nakapiit ang dating Pangulo ng Pilipinas sa detention facility ng ICC sa Scheveningen Prison simula nang arestuhin siya noong Marso 11 ng kasalukuyang taon dahil sa umano’y crimes against humanity kaugnay sa mga pagpatay umano sa ilalim ng kaniyang war on drugs.