-- Advertisements --

Karagdagang $725 million na military assistance ang nakatakdang ipadala ng Amerika para sa Ukraine.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken ang panibagong military aid ng Amerika ay kasunod ng brutal missile attacks ng Russia sa mga sibilyan sa Ukraine at dumaraming ebidensiya ng ginagawang atrocities o kalupitan ng Russian forces.

Kabilang sa ipapadalang military package ang karagdagan pang ammunition para sa HIMARS rocket system, anti-tank weapons, anti-radiation missiles o tinatawag na HARMs, vehicles at medical supplies

Sa kabuuan, pumapalo na sa $18.3 billion ang kabuuang military assistance ng US simula ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden.