Nakaamba ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang mga oil industry sources, tataas ng P0.20 hanggang P0.30 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Bababa naman ng P0.20 hanggang P0.30 ang kada litro ng gasolina.

Habang papalo sa P0.80 hanggang P0.90 ang kada litro ng kerosene.

Sa susunod na linggo na rin umano ipapataw ang dagdag presyo dahil sa karagdagang buwis sa imported fuel products.

Sinasabing maglalaro daw ang halaga nito sa P1.00 hanggang P1.50 kada litro.