-- Advertisements --

Madadagdagan lamang daw ang perang gagastusin ng Commission on Elections (Comelec) sa oras na ituloy nito ang pagdagdag sa araw na papayagang makaboto ang mga botante sa May 22 presidential elections.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, posibleng umabot ng halos P2 billion ang kakailanganin ng Comelec upang isagawa ito.

Ang naturang halaga ay dobvle pa sa minimum P1 billion na inilatag ng Comelec officials sa mga senador sa isinagawang P14.1 billion budget request ng ahensya para sa susunod na taon.

Base aniya sa plano ng Comelec na magtayo ng 110,000 clustered precincts na gagamitin sa susunod na halalan ay kakailanganin nitong maglabas ng P2.1 billion kabilang na rito ang honorarium na ibibigay sa mga guro.

Noong huling eleksyon daw kasi ay nakatanggap ng P6,000 ang mga Borad of Election Inspectors (BEI), P5,000 naman ang bawat poll clerk.

Nakatanggap din umano ang mga ito ng travel allowance na nagkakahalaga ng P1,000 o may kabuuang total na P19,000 kada polling precinct.

Saad pa ng mambabatas na ang mga guro sa BEI noong 2019 ay aabot lamang ng mahigit 250,000 ngunit ayon sa total deployment ng Department of Education (DepEd) ay mahigit 500,000 ang mga guro.

Ito raw ang binayaran ng Comelec para sa kanilang suporta at pangangasiwa sa eleksyon noong nakaraang taon na aabot naman mula P2,000 hanggang P4,000.

Hindi pa kasama rito ang mga pulis. Kung magpapakalat din umano ng mga otoridad sa bvawat clustered precinct ay kakailanganing gamitin ang nasa 200,000 otoridad sa buong bansa.

Sinabi ni Recto na dapat pang mag-isip ng ibang contingency plans ang poll body kung sakali man na hindi pa rin humuhupa ang kaso ng coronavirus sa May 2022.

Kailangan din aniyang siguraduhin ng Comelec na magiging ligtas ang kalusugan ng bawat botante sa araw ng halalan.

Para sa mambabatas, hindi dapat maging daan ang eleksyon upang mas lalo pang kumalat ang deadly virus sa bansa.

Biro pa nito na imbes daw na sticker na may katagang “I have voted” ang ibigay sa mga indibidwal na tapos nang bumoto ay baka palitan na lamang ito ng “I have COVID.”

Hirit pa ni Sen. Recto na ngayon pa lang ay paghandaan at planuhin na kung papaano maisasagawa ang mail voting para naman sa mga persons with disabilities (PWDs), matatanda at may sakit.