-- Advertisements --

Umabot na sa 845 indibidwal ang natugunan ng Philippine Red Cross (PRC) sa ika-apat na araw ng Holy Week Operations 2026.

Sa bilang na ito, 789 ang sumailalim sa vital signs monitoring, habang 49 ang tinukoy na may minor cases gaya ng abrasion, blister, panghihina ng katawan, pasa, pagkahilo, pagkaputla, LBM, pilay, pulikat, sugat, pananakit ng tiyan, at iba pang bahagyang pinsala.

Mayroon ding 4 major cases ng hypertension na naitala, at 3 pasyente ang kinailangang isugod sa ospital dahil sa multiple injuries, fall incident, at pagkawalang malay.

Sa aspeto ng welfare assistance, anim na indibidwal ang naasistehan — tatlo sa pamamagitan ng referral, at tatlo sa pamamagitan ng wheelchair assistance.

Upang matugunan ang mga pangangailangan ng publiko, nagpakalat ang PRC ng 18 ambulansya, 1 mobile clinic, 45 first aid stations, 7 welfare desks, 3 foot patrols, at mahigit 2,000 staff at volunteers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Saklaw ng operasyon ang 57 lugar ng assignment, kabilang ang mga beach (2), bus terminal (6), PRC chapters (12), simbahan (11), command post (1), events place (1), gas station (2), highways (7), mall (3), bundok (2), paaralan (1), at seaports (6).

Patuloy ang PRC sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at pangkagalingan sa mga mananampalatayang bumibiyahe ngayong Semana Santa, bilang bahagi ng kanilang taunang commitment sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.