-- Advertisements --

Sinimulan na ng Senado ang imbestigasyon ukol sa umano’y korapsyon sa Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng karneng baboy.

Matatandaang sa expose ni Senate committee on accounts chairman Sen. Panfilo Lacson na umaabot sa P5 hanggang P7 ang ipinapatong ng ilang taga-DA sa kada kilo ng ini-import na karne.

Ayon kay Lacson, napakasamang gawain na samantalahin ang sitwasyon para kumita ang ilang tiwali sa naturang ahensya.

Maliban sa kinakaharap na COVID-19 pandemic, dumanas pa ng mabigat na dagok ang sektor ng pag-aalaga ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sa pagdinig ng Senate committee of the whole, personal na dumalo sina Lacson, Sen. Joel Villanueva at Senate President Vicente “Tito” Sotto III, para pangunahan ang hearing.

Habang virtual attendance naman ang ibang miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso, pati na DA officials at iba pang stakeholders.