-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng pagsisimula na ng panahon ng tag-ulan sa mga susunod na buwan.

Ayon kay DA spokesperson ASec. Arnel de Mesa, base sa huling imbentaryo noong Disyembre ng nakalipas na taon lumalabas na may sapat pang suplay hanggang sa mag-anihan sa panahon ng lean months na karaniwan ay sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo o kalagitnaan ng buwan ng Agosto.

Sa kasalukuyan, ang import level ng bigas para sa buwan ng Mayo 2025 ay nasa 1.7 million hanggang 1.9 million metrikong tonelada.

Ginawa ng DA official ang pagtitiyak matapos opisyal na ideklara ng state weather bureau ang pagsisimula ng Habagat sa bansa kahapon, Mayo 30.