-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang papasok sa bansa na mga imported na bigas ngayong buwan.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na itinuturing kasi ngayong buwan bilang harvest season.

Ang pagpasok ng mga imported na bigas ay siya kasing itinuturong dahilan ng mga magsasaka kaya bagsak-presyo ang bentahan ng mga palay sa ilang probinsiya.

Base kasi sa monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na mayroong P14 ang kada kilo ng bagong aning palay sa Rehiyon 1, habang nasa P13.50 naman kada kilo sa Region 2 at P10.00 naman kada kilo sa Mindoro.

Lubhang mababa ito sa production cost o ginagastos ng mga magsasaka sa pagtatanim na aabot sa P15.50 kada kilo.

Sa monitoring kasi ng DA ay nasa P45 hanggang P50 ang kada kilo ng imported na bigas habang nasa P38-P40 naman sa mga local na bigas.