-- Advertisements --
Pinalawig ng hanggang buwan ng Hulyo ang pagbabawal ng importasyon ng mga sibuyas sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) na layon nito ay para hindi matambakan ng mga local supplies ng sibuyas.
Giit pa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na wala ng rason para mag-import ng sibuyas dahil sa umaapaw na ang sibuyas sa mga cold storage ng bansa.
Inaasahan din nito na maaring bumaba pa o mag-stable pa ang presyo ng sibuyas ngayong taon dahil sa magandang suplay sa bansa.