Magde-deploy ang Department of Energy (DOE) ng task force para tumugon sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu City at iba pang probinsya.
Sa pagsalang ni Secretary Garin sa makapangyarihang Commission on Appointment, natanong ang kalihim sa gagawing pagtugon ng ahensya sa nangyaring lindol sa Cebu.
Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na mahalaga ring magkaroon ng task force sa Cebu at sa iba pang lugar na tinamaan ng lindol upang matiyak ang mabilis na aksyon.
Ayon kay Garin, kagabi nangyari ang lindol at kailangan pang ihanda at ipadala ang mga kagamitan at tauhan.
“Cebu happened last night. We have to call on them. They have to prepare, they have to create a team [and] all their heavy equipment has to be transported. It takes them a day or two just to get to the area,” ani Garin.
Dagdag pa ni Hontiveros, mahalaga para sa mga residente sa naturang probinsya na malaman kung kailan darating ang tulong.
Kinumpirma naman ni Garin na inaasahang nasa Cebu na ang DOE task force sa mga susunod na araw.