Pumalo na sa higit 5,000 kabahayan ang naiulata na napinsala sa Visayas bunsod ng magnitude 6.9 magnitude na lindol.
Batay sa naging datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC), higit sa 600 ang naitalang totally damaged sa datos na ito habang 4,355 naman ang mga partially damaged na karamihan ay nasa mga lungsod ng Medellin, San Remigio, Bogo ata maging sa Daanbantayan.
Maliban dito, higit sa 335 na mga pasilidad nman ang naiulat na nasira habang wala pa namang pinal na ulat hinggil sa kabuuang halaga ng mga pinsala na natamo sa mga structural assessment sa rehiyon.
Samantala, patuloy naman na nakatutok sa pagtugon ang local at national government ng bansa partikular na sa mga relief at rehabilitasyon para sa agarang pagsasaayos at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente partikular na para sa mga basic needs nito gaya ng masisilungan, tubig na maiinom at maging sa mga medikal na atensyon.