-- Advertisements --

Plano ng Department of Agriculture na magsampa ng kaso laban sa mga importer na makailang beses na nahulian ng mga smuggled agri products.

Kasunod ito sa pagsampa na ng kaso laban sa dalawang kumpanya na sangkot sa pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura.

Ayon kay DA Assistant Secretary James Layug, na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya para tuluyang masampahan ng kaso ang mga smugglers.

Magugunitang sinampahan ng 20 kaso ang kumpanyang Victory JM Enterprise at Asterzenmed Inc. matapos ang isinagawang operasyon ng mga ahenisya.

Ilan sa mga produktong kanilang ipinupuslit ay mga sibuyas, frozen pork meta, carrots, frozen galungong at maging frozen boneless beef.