-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Agriculture na wala ng pagtaas ng presyo ng bigas ng hanggang unang bahagi ng 2024.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa , na dahil sa panahon na ng anihan kaya magiging sapat na ang suplay ng bigas sa bansa.

Nitong Setyembre aniya ay pumalo sa 271,000 metric tons ang suplay ng bigas sa bansa.

Inaasahan pa na madadagdagan ito hanggang buwan ng Nobyembre.

Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalabas na ng P12.7 bilyon na tulong pinansyal sa mga small scale farmers sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance.

Sa bawat magsasaka na mayroong sinasakang dalawang hektarya na lupain ay makakatanggap ng P5,000 na cash aid.