-- Advertisements --

Ipinamo-monitor ni Agriculture Sec. William Dar ang presyo ng mga gulay at karne sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ito’y makaraang makapag-report ng pagmahal sa presyo ng ilang klase ng agriculture products sa ilang pamilihan sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Sa Pasig City Public Market, may mga klase ng gulay, katulad ng carrots, Baguio beans, amargoso, pechay at patatas na nagmahal kung ikukumpara ang presyo ng mga ito noong Marso 25, 2021.

Nagkaroon din ng parehong mga pagtaas sa Muñoz at Tandang Sora Market, pati na sa iba pang palengke sa Quezon City.

Tumaas din ng P40 kada kilo ang galunggong na lokal sa Guadalupe market sa Makati, at P5 hanggang P10 naman ang itinaas ng presyo ng bangus at tilapia sa Quinta market sa QC.

Ang ECQ ay iiral hanggang Abril 4, 2021.