-- Advertisements --

Prayoridad ngayon ng Department of Energy (DOE) ang masolusyunan ang problema pagdating sa supply ng kuryente sa lalwigan ng Siquijor na naunang inspkesyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nito lamang nakaraang Martes, Hunyo 10.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni Energy Officer-In-Charge Sharon Garin na isa yan sa mga pinagtutuunan nila ng pansin sa kasalukuyan at balak na i-regularized ang Siquijor para sa tuloy-tuloy na suplay ng elektrisidad sa lalawigan.

Ito aniya ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabalik agad ang supply ng kuryente sa naturang lalawigan.

Tiniyak naman ni Garin na tinatrabaho na ng knilang tanggapan ang isyu at kasalukuyan nang humihingi ng commitment mula sa Siquijor Island Power Corporation na siya namang pagmamay-ari ng mga Villar.

Samantala, ayon kay Garin nangako na ang SIPCOR na aayusin na nila ang kanilang mga generator sets para maresolba na ang malawakang blackout sa probinsiya na siyang kasalukuyan na ring nasa state of calamity.

Ani Garin, malaki kasi ang magiging epekto nito sa ekonomiya at turismo sa bansa kung hindi ito masososlusyunan agad ang problema sa mga gensets ng naturang power supplier.

Kasalukyan kasi na dumarami na ang mga turistang dumadayo sa lugar at maaaring maging apektado ang hanapbuhay ng mga residente lalo na at kung walang supply ng elektrisidad sa probinsiya.

Nananatili namang under evaluation ang insidenteng ito ngunit sa kabila nito ay pinanghahawakan na ng departamento ang pangako ng SIPCOR na agarang aayusin ang mga generators para maibalik na ang kuryente sa lalawigan.

Nauna naman dito ay nagbigay ng utos ang Pangulo sa National Electrification Administration (NEA) na pangunahan ang pagaayos at pagresolba ng krisis sa probinsiya kasama na ang mga technical supports.