Iminungkahi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lagyan ng disclaimer ang mga content na gawa gamit ang artificial intelligence (AI) upang gabayan ang publiko at maiwasan ang panlinlang online.
Sa isang pahayag sinabi ni CICC Deputy Executive Director Renato ”Aboy” Paraiso na nakatutok aniya sila para sa pagtugis sa mga gumagamit ng AI para sa mga panloloko at pagpapakalat ng maling impormasyon.
Sa ibang banda may hakbang rin ang mga social media platform gaya ng Meta (Facebook at Instagram) at TikTok sa paglalagay ng label sa mga AI-generated na larawan, video, at audio.
Samantala, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na mahalagang maturuan ang mga estudyante ng critical thinking upang makilala ang tunay sa hindi, ito’y sa gitna ng pagdami ng AI content online.