-- Advertisements --

Tiniyak ng Departmemt of Agriculture (DA) na walang kahit anumang kakulangan sa supply ng mga produktong manok sa mga pamilihan sa kabila ng naging pagpapatupad ng import ban ng mga naturang produkto mula sa Brazil.

Ayon sa departamento, nag-angat ng import ban sa naturang bansa dahil sa naitalang kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) o bird flu sa bahagi ng Montenegro, Rio Grande do Sul.

Pagtitiyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., hindi lamang ang Brazil ang tanging supplier ng manok sa Pilipinas at mayroon pang mapagkukunan ng produkto mula sa iba pang mga nasyon bilang alternatibong resources.

Sa kabila nito ay maaaring isang ‘brief supply gap’ lamang ang inaasahang maranasan ng mga pamilihan sa loob lamang ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa kasalukuyan maganda naman aniya ang poultry industry ngayon ng bansa.

Samantala, simula Pebrero, 44.15 milyong kilograms ng manok ang natanggap na import mula sa Brazil ayon sa naging datos ng Bureau of Animal Industry (BAI).