-- Advertisements --

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na darating ang panahon ay baka maging malaking problema ang suplay ng asin sa bansa.

Ayon kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, kanyang napag-alaman na sa nakalipas na tatlong taon ay wala pa lang budget ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para palawakin pa o magkaroon ng expansion sa pagawaan ng asin o salt harvester.

Salt Asin farm DA
Salt farm (courtesy from DA)

Dahil dito wala na rin daw inaabono ang mga magsasaka sa pagpapalaki sa mga tanim na niyog ito ay bunsod ng kakulangan ng supply.

Ang asin bilang isang major commodity ayon kay Usec. Panganiban ay nangangamba siya na baka dumating ang araw na itigil na rin ng ilang mga bansa ang export ng asin, at kapag nangyari ito ay maaapektuhan ang Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rep. Ron Salo ng Kabayan partylist, iniulat nito na matagal ng panahon na 93% percent ng pangangailangan ng asin sa Pilipinas ay inaangkat sa ibang bansa.

Ito ay katumbas ng 550,000 metric tons kada taon.

Dahil dito napapahon na aniya na pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno at buhayin muli ang industriya ng asin sa Pilipinas.

Kabilang sa panukala ni Cong. Salo sa Kamara ay ang pagtatayo ng ahensiya na tatawaging ASInDeRO o kaya ang Administration for Salt Industry Development, Revitalization and Optimization.