-- Advertisements --
Direktang bibili na ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture ng mga sibuyas sa mga magsasaka.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, na mayroon na silang mga probinsiya na kanilang natukoy kung saan nila ito bibilihin.
Ang hakbang aniya ay para maibsan ang pagtaas ng presyo ng sibuyas kaya direkta nila itong binibili sa mga magsasaka.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa P15 ang production cost ng mga sibuyas sa probinsiya na kanilang mga nakausap.