Nagtala ng record ang Czech free-diver na si David Vencl.

Ito ay matapos na lumangoy sa halos 81 meters o 265.75 talampakan na lalim na nagyeyelong tubig na mayroong temperatura na 3 degrees.

Umabot sa isang minuto at kalahati ang nilangoy nito na suot lamang ang swimsuit.

Unang napili ng 38-anyos na swimmer ang glacial lake sa Austria subalit dahil sa COVID-19 restrictions ay lumipat ito sa Lahost na may layong 100 kilometro sa north-west ng Prague.

Tinalo nito ang record ni Stig Avail Severinsen noong Oktubre 2017 sa southern Greenland na mayroong record lamang na lalim na 250 talampakan na lalim ang sinisid.

-- Advertisement --