Milos Zeman
-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Czech Republic President Milos Zeman matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa tagapagasalita ng 77-anyos na pangulo na nalaman na lamang nila itong nagpositibo sa virus ilang oras matapos na ito ay makauwi mula sa pagkaka-ospital ng ilang linggo.

Dahil dito ay kinansela ang mga programang kaniyang dadaluhan.

Magugunitang noong Oktubre 10 ay itinakbo na ito sa pagamutan kung saan hindi na binanggit ng kampo nito ang kaniyang sakit.

Plano nitong magpagaling na lamang sa kaniyang bahay sa Lany, western Prague.

-- Advertisement --