-- Advertisements --
Nagpatupad ang bayan ng Clamart sa France ng curfew ng hanggang Hulyo 3 matapos ang pagsiklab ng kilos protesta.
Nagsimula ang kilos protesta noong nakaraang dalawang araw matapos na mapatay ng mga kapulisan ang 17-anyos na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan.
Nakasuhan naman ng “voluntary homicide” ang pulis na nakabaril sa 17-anyos na biktima.
Gumamit naman ng mga tear gas ang kapulisan sa Marseille para itaboy ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Nagpasya naman ang gobyerno ng France na itigil ang bus at train services dahil sa ito ay target ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.