-- Advertisements --
Ilang mga lugar na sa Metro Manila ang nagpatupad ng curfew hours kasunod pa rin na ipinapatupad na community quarantine.
Nagsimula nitong Marso 15 hanggang Abril 14 ang isasagawang checkpoint para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.
Ilan sa mga lugar na nagpatupad ng checkpoints ay ang Caloocan, Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Pasay, Pasig, Quezon City at Taguig.
Ipapatupad ang curfew mula 8:00 p.m. hanggang 5 a.m. at tanging papayagan lamang ay yung mga galing sa kanilang mga trabaho.