Pinabalik ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga loans na hindi na magagamit.
Tugon ito ng kalihim kasunod ng ulat na mag mamature na ang mga kinuhang loans ng gobyerno nuong pandemic.
Sinabi ni Herbosa maraming nakuhang loans ang nagdaang administrasyon nuong kasagsagan ng covid 19 pandemic.
Sobra sobra aniya ito dahilan na ilan dito ay hindi na magagamit.
Sa ngayon ang kanilang babayaran sa maturation ng loan ay ang mga nagastos na mga test kits, mga bakuna at gamot.
Kumpiyansa naman si Herbosa na mababayaran ng gobyerno ang nasabing loan.
Aniya nasama na sa general appropriations ang pondo para mabayaraan ang loan.
Gayunpaman sinabi ni Herbosa na mas mainam na may mapagkukuhanan pa ng pondo para mabayaran ang mga inutang ng gobyerno.
“ Sa sources of money to get that, of course isinasama naman iyan sa ating general appropriations. And iyong sugar-sweetened beverages nasama na rin siya actually doon sa CREATE Law eh – so, mayroon na rin tayong nakukuha diyan. Tapos, iyong vape siguro maganda rin magkaroon ng additional taxation iyon, nakalagay kasi sa Vape Law na hindi siya lalagyan ng additional taxation eh. So, iyan din ay another source. I’m sure—the fact na ang GDP natin ay nasa six percent yata ang increase every year, I’m sure naka-compute iyan at kayang bayaran ng ating DOF,” pahayag ni Sec.Herbosa.