-- Advertisements --

Kapwa pasok sa weight limit sina Terrence Crawford at Errol Spence para sa kanilang Welterweight title unification fight na gaganapin bukas sa Las Vegas Nevada.

Sa 147 pounds weight limit ay tumimbang ng 146.3 lbs si Terrence Crawford habang eksaktong 147 lbs. naman si Errol Spence.

Kapwa walang talo ang dalawang boksingero kung saan ang 35-anyos na si Crawford ay mayroong 39 panalo na mayroong 30 knockouts.

Habang ang 33-anyos na si Spence naman ay mayroong 28 panalo na myaroong 22 knockouts.

Ang mananalo sa dalawa ay magiging unang undisputed welterwieght champion sa apat na belt.

Nakataya kasi ang IBF, WBA at WBC welterweight belt ni Spence habang nakataya naman ang WBO belt ni Crawford.