-- Advertisements --

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang trabaho ng Philippine Air Force (PAF) 250th Presidential Airlift Wing (PAW).

Sa kaniyang talumpati sa ika-58 taon ng PAW sinabi nito na isang malaking asset ito dahil sa papel nila para agad na maabot ang mga komunidad na apektado ng mga bagyo para maiabot ang tulong.

Ang nasabing unit aniya ay nagbibigay ng mahalagang paggalaw sa pangulo, presidential staff, at ilang mga opisyal ng gobyerno para mabilis ang pagresponde.

Isang malaking asset ng Pangulo ang nabanggit na unit para maisakatuparan ang kaniyang trabaho.