-- Advertisements --

Pinag-aaralan pa raw ng mga eksperto sa Pilipinas ang resulta ng ilang pag-aaral sa Estados Unidos tungkol sa mga bagong sintomas umano ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy na kinakalap ng Department of Health (DOH) ang mga impormasyon tungkol sa sakit, lalo na’t itinuturing na bagong uri ng coronavirus ang COVID-19.

“Pinag-aaralan po ng ating mga eksperto sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at yung ating Technical Working Group ng DOH kung ito’y maaaring sintomas ng COVID at kami po ay magbibigay ng bagong rekomendasyon at guidelines ayon po sa maikakakalap naming ebidensya.”

Lumabas sa research ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika na itinuturing na ring sintomas ng COVID 19 ang: chills, repeated shaking with chills, muscle pain, headache, sore throat at new loss of taste or smell.

May tinutukoy din daw ang pag-aaral na “COVID toes,” o pangingitim ng sa paa at daliri ng isang infected patient.

Pati na ang idinudulot umanong pamumuo ng mga dugo sa large arteries ng COVID-19, na nagdudulot ng severe stroke.

Sa inilabas na anunsyo ng World Health Organization sa nakalipas na buwan, itinuturing na most common symptom ng sakit ang lagnat, dry cough at labis na pagod.

May ilang pasyente rin daw na nakitaan ng pare-parehong pag-inda sa nasal congestion, sore throat at diarrhea.