-- Advertisements --

Nakiisa ang pamunuan ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) sa panawagan ng Makati Medical Center (MMC) na maging responsable ang mga persons under investigation (PUI) at coronavirus patients upang hindi makahawa.

Kasunod ito ng isyu ng paglabag sa quarantine protocol ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, kung saan sinamahan pa nito ang asawa sa MMC at maraming nakasalamuha kahit dapat na ito ay nasa bahay lang.

Ayon kay PHAPI president Dr. Rustico Jimenez, dahil sa pagkaka-expose ng ilang tauhan ng ospital, kakailanganin na ring ipa-quarantine ang mga ito.

Inamin ni Jimenez na malaking dagok sa medical work force kapag may mga nagkakasakit o napipigilang magtrabaho, dahil ang mga natirang tauhan ang tiyak na papasan ng mabigat na gawain.

Sa kanilang monitoring halos 10 doktor na ang nasawi sa Pilipinas habang lumalaban sa COVID-19.