Sisimulan na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang kanilang validation para sa entertainment workers na nawalan ng kita ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay FDCP chairperson Liza Diño, aabot sa P5,000 hanggang P8,000 pesos ang ibibigay na assistance ng gobyerno sa mga naapektuhang manggagawa.

Sa pagtaya ng former beauty queen partner ni Aiza Seguerra, halos 800,000 freelance workers ang nawalan ng pagkakakitaan mula noong Marso nang magpairal ng quarantine.

Habang umabot na sa P1 billion ang lugi sa buong industriya.

May iba pang hiwalay na fundraiser naman ang ilang artista at film directors na ilalaan din para sa mga production assistant, lightsmen, cablemen at iba pang bahagi ng production.