-- Advertisements --
FCgfE2 UUAI9fAW

Nilinaw ngayon ng OCTA Research Group na hindi pa naman tumataas ang naitatalang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa National Capital Region (NCR) kahit bahagyang tumaas ang reproduction number ng nakamamatay na virus.

Mula kasi sa dating 0.45 na reproduction number noong Sabado ay naging 0.48 ngayong araw.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng taong puwedeng hawaan ng isang taong infected sa naturang virus.

Kapag ang reproduction number ay mas mababa sa 1, ibig sabihin nito ay bumabagal ang transmission ng naturang virus.

Bagamat hindi pa raw naitatala ang pagtaas ng covid cases sa Metro Manila matapos maitala ang mas mataas na reproduction number ngayong araw, hinimok pa rin ni David na sundin ng publiko ang minimum health protocols para maiwasan ang posibleng pagsipa ng covid cases sa NCR.

Kahapon nang maitala ng Department of Health (DoH) ang 5,279 na bagong COVID-19 cases, at nasa 60,957 ang active cases.