-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Umakyat na sa anim ang nasawi may kaugnayan sa COVID-19 matapos na masawi ang isang pasyente na positibo sa virus.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang lunsod ng Cauayan, ang nasawing pasyente ay kinilalang si CV 4412, 49 anyos na lalaki at residente ng Tagaran, Cauayan City.
Siya ay na-admit sa isang ospital matapos na makaranas ng lagnat, sipon, at pananakit ng tiyan noong December 11, 2020.
Bukod dito ay mayroon sin siyang diabetes at hypertension.
Sumailalim siya sa swab test noong December 12, 2020 ngunit binawian siya ng buhay noong bisperas ng pasko.
Ang pamilya ni CV 4412 ay kasalukuyan ng naka-isolate at minomonitor ng Cauayan City Health Office.