-- Advertisements --
ILOILO CITY- Inutusan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga punong barangay sa lungsod na ipagbigay alam sa Philippine National Police (PNP) kung may mga pasaway na mga residente na hindi sumusunod sa quarantine protocol kahit na sumailalim na sa RT-PCR test.
Ito ay kasunod ng natanggap na impormasyon ng alkalde na isang residente ng Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City na nagpositibo sa COVID-19 ang namasyal pa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na 27 indibidwal ang nahawaan ng nasabing COVID-19 positive.
Doble rin anya ang trabaho nila dahil hahanapin pa nila ang mga naka-close contact ng mga bagong nagpositibo sa COVID-19.