CAUAYAN CITY- Halos kalahati ang nabawas sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos na maitala ang ilang recoveries sa nakakahawang virus .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC sinabi niya na Batay sa pinakahuli nilang talaan nasa 31 na pasyente na lamang ang kanilang binabantayan.
Sa naturang bilang 16 ang confirmed COVID-19 cases 10 ang mula cagayan, 5 sa Isabela at isa mula sa kalinga habang nasa 16 ang suspect cases.
Ayon kay Dr. Baggao bagamat may mga naa-admit ay maraming mga pasyente rin ang tuluyan nang nakarecover mula sa virus.
Sinabi niya na sa ngayon ay unti-unti ng bumababa ang bilang ng mga naitatalang positibo o naa-admit na pasyenteng may COVID 19 at ang nakikitang dahilan ay ang pagsunod ng publiko sa mga itinatakdang health protocols.