-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sisimulan na ngayong araw ang pagsasagawa ng mass testing para sa COVID-19 sa lungsod ng Iloilo.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na unang isasailalim sa test ang mga Persons Under Monitoring (PUMs) at Persons Under Investigation (PUIs) sa lungsod.
Ayon kay Treñas, sasailalim rin sa testing ang mga frontliners na may direct contact sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Isasagawa ang mass testing ng mga medical technologist sa lungsod katuwang ang Department of Health.
Sa ngayon, sinabi ni Treñas na nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng mga barangay kun saan isasagawa ang mass testing.
















