-- Advertisements --

Magtatayo ang lungsod ng Maynila ng COVID-19 Field Hospital para tuluyang mabawasan ang mga napupunong pagamutan.

Mayroong 336-bed capacity ang nasabing field hospital.

Kasama ni Mayor Isko Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang isinagawang groundbreaking ng pagtatayuan ng pagamutan sa 2.5 hectare sa Burnham Green area sa Luneta Park sa harap ng Quirino Grandstand gamit ang mga containers.

Inaasahan na sa buwan ng Disyembre ay matatapos ang nasabing COVID-19 hospital ng Maynila.